Second to the Last
Tinatamad akong mag-English ngayon kaya Tagalog blog na lang muna. HAHA!
Ngayon ang second to the last day ng 2012. Excited ba ko sa 2013? Hindi ko alam. Sabi ng kaibigan kong Chinese, malas daw pag kaparehas ng kasalukuyang taon ang taon ng kapanganakan mo. Parang ako. Year of the Snake ako pinanganak at ang 2013 ay ang Year of the Water Snake. Nung marinig ko yun, excited ako dahil feeling ko sisikat, yayaman at magkaka-lovelife ako next year pero dahil malas nga daw sabi ng Chinese friend ko, pinanghinaan ako ng loob.
Kung kukwentahin ko lahat ng nangyari sa buhay ko nitong 2012, masasabi kong naging ok lang naman. Umalis ako sa pagtuturo at naging call center agent. Bilang isang CSR, hindi ako sigurado kung naging magaling ba ko. Siguro may mga oras na sobrang grandslam ng stats ko pero dahil nagkasakit ako ng bongga kakapuyat, kakalamon at kakatulog, malapit na kong magbago na naman ng career. Kanina nakausap ko yung kapatid kong babae. Tanong niya, "Ano ba talagang gusto mong gawin?" Napaisip ako. Deep inside, gusto ko pa ring mag-doktor. Yun naman kasi talaga ang pinag-aralan ko pero dahil alam ng Diyos na imposible yun sa mga panahon ngayon, "Gusto kong magturo," na lang ang naisagot ko. Sa totoo lang, nagulat rin ako sa sinabi ko. Nung teacher kasi ako, madalas kong sinasabi sa sarili ko na hindi ito ang tamang trabaho para sa tamad na katulad ko pero tuwing tatanawin ko yung mga oras na nasa loob ako ng classroom at nakikipagchikahan sa mga estudyante ko, masasabi kong teaching ang hidden passion ko. Sabi ko pa sa kapatid ko kanina, "Kung papipiliin mo ko between call center and school, school ang pipiliin ko." Wala naman akong reklamo sa pagiging agent. Siguro mahirap lang yung oras at yung mga gagong customers paminsan pero in terms of benefits at sweldo, aba! Panalong-panalo! Pero tuwing nakakapag-isip ako pag wala akong ginagawa, hindi ko mapigilang mag-obsess sa pagbalik sa pagtuturo. Naisip kong mas gusto kong mabigo sa isang bagay na gusto kong gawin kaysa magtagumpay sa isang bagay na ayokong gawin. Sabi nga ng post ng isang friend ko sa Facebook, "Happiness is doing what you love. Success is loving what you do." Kung babalik ako sa pagiging teacher, nakikita kong magiging happy ako at successful. Hindi man financially stable tulad ng pangarap ng nanay ko, at least masaya ako at yun naman ang importante. Isa pa, naniniwala akong magiging superstar love story writer ako someday at dun kami yayaman. AMEN! \m/
Parating na naman ang panibagong taon. Panibagong listahan na naman ng New Year's Resolution na iiyakan ko na lang sa December 31, 2013 dahil wala ni isang nagawa. Well actually, may nai-suggest sa akin yung isa kong officemate. Dream board daw. Ilista ko raw lahat ng gusto kong gawin for the year at ilagay siya sa isang lugar na lagi kong makikita tapos i-cross out ko daw yung mga nagawa ko na. Essentially, New Year's Resolution pero more of bucket list. Pag resolution kasi, pagbabago talaga at long term. Ewan ko ba. Basta gagawin ko yung dream board this year para may sense of accomplishment naman ako for the next 365 days.
Kailangan ko nang matulog. Pasok pa mamaya. Ugh.
Comments
Post a Comment