Last

Tagalog ulit. Di ko mahanap yung English writing skills ko. HAHAHA!

Ilang oras na lang, magtatapos na ang 2012, ang taon ng supposed-to-be end of the world ayon sa mga kumare kong Mayans. Luckily, hindi natuloy at eto pa rin tayo, humihinga at makakalanghap ng bonggang-bonggang post-fireworks New Year's Eve usok mamaya pagkatapos ng festivities sa kalsada.

Isa itong magandang pagkakataon para magbalik-tanaw sa 2012 pero kung ang buhay mo ay tulad ng buhay kong boring, hindi masayang mag-reminisce. Simula January 2012 hanggang April 2012, pinagpatuloy ko ang pagtuturo kahit na medyo hindi na rin ako masaya sa ginagawa ko nung mga panahon na yun. Tumambay ako ng bongga nung May at pagdating ng June hanggang ngayon, naging isa akong magiting na customer service representative. Kung nabasa niyo ang mga blog ko nitong mga nakaraang araw, siguro alam niyo nang gusto ko na namang magbago ng gagawin sa buhay para sa susunod na taon at sa mga oras na ito, buo na ang pasya ko. Ayoko nang maging call center agent. Wala pa namang immediate na plano sa susunod kong career move pero one thing's for sure - mamamahinga ako ng bongga at magpapa-overall check-up para naman hindi ako araw-araw na napa-paranoid sa mga nararamdaman ko sa katawan.

Nagsilbing isang malaking lesson para sa akin ang nakaraang taon. Masasabi kong mas marami talagang pasakit kaysa sa mga nakakatuwang pangyayari pero ayos na rin. Sabi nga, "What doesn't kill you only makes you stronger." Kahit na medyo hindi pa ko sigurado kung magiging mabait sa akin ang 2013, masasabi kong handa na ko. Sa dami ng pagsubok na sumugat sa akin ngayong taon, sigurado akong wala na akong hindi makakaya. SO BRING IT ON, 2013! \m/

Happy New Year sa ating lahat and God bless us all!

Comments

Popular Posts