Response Blog: To "Some" Teachers
Day 5.
CLICK ON THIS LINK FIRST AND READ THE CONTENTS BEFORE PROCEEDING TO MY BLOG. THANK YOU. (^^,)
This is a response blog to a hate letter to "some" teachers courtesy of a fellow 14-year-old blogger.
NOTE TO THE KID I'M GOING TO RESPOND TO: Before I begin, I want to let you know that my blog is a zone of absolute freedom of expression. I'm not writing this to tell you you're wrong or anything. I'll just raise and emphasize my point regarding the matter you were whining about in your blog. And as a gesture of courtesy, I would respond in Filipino since yours was written in Filipino.
Naging estudyante rin ako tulad mo. May mga oras sa buhay-estudyante ko na naasar ako sa ilang mga teachers ko. Yung iba nga naman kasi sa kanila hindi inaayos ang pagtuturo. Kung minsan, papasok lang para magsermon o kaya magdi-discuss kahit walang nakikinig. Nakakabanas rin pag sinasabi nilang hindi sila ang gumagawa ng grado namin kundi kami. Taga-compute lang sila. Kala ko dati bullshit lang lahat. Pero mali. Maling-mali ako.
Sa maniwala ka man o hindi, isa na akong teacher. Bago ako pumasok sa trabahong to, isinumpa ko sa sarili ko na hindi ko gagayahin ang mga teachers kong kinainisan ko dati. Ipinangako ko sa sarili ko na magtuturo ako ng maayos, na hindi ako tatamarin sa lahat ng bagay na may kinalaman sa trabaho ko at sisiguraduhin kong may matututunan mula sa akin ang mga estudyante ko araw-araw sa loob ng isang oras. Ginawa ko naman ang parte ko bilang guro. Nagbigay ako ng maraming projects at evaluation na siyang magdidikta ng tamang marka para sa mga estudyante ko.
Ito ang isa sa mga importanteng impormasyon tungkol sa pagtuturo na dapat mong malaman. Hindi kontrolado ng teacher ang grades ng estudyante. Bakit? Dahil may sinusunod kaming standard pagdating sa pagbibigay ng grado sa gawa ng estudyante. Sabihin na natin na kami nga ang nagsusulat ng grade pero ang grade na sinusulat namin ay depende pa rin sa kalidad ng project o assignment ng estudyante. Sa dulo ng kwento, estudyante pa rin ang may kontrol sa taas o baba ng grades niya depende sa ganda ng trabahong ginawa niya. Sa madaling salita, tagakwenta lang kami. Walang karapatan ang teacher na mag-power trip sa grades dahil may rubrics kaming sinusunod. (Kung hindi mo alam kung ano ang rubrics, i-Google mo na lang. Ganon naman tayo gumawa ng assignment di ba?)
Medyo hindi ako makapaniwala na ang isang katorse anyos na tulad mo ay may tibay ng apog na pagsabihan ang ilan sa mga teachers mo kung ano ang dapat nilang gawin pagdating sa classroom management. Una sa lahat, apat na taon na nagdusa sa kolehiyo ang mga guro mo para lang sa diploma nilang magpapatunay na alam nila ang ginagawa nila bilang mga guro. Ang pagiging guro sa loob ng klase ay hindi lamang tungkol sa pagiging disciplinarian tulad ng gusto mong mangyari dahil iba-iba ang klase ng learners. May mga batang hindi maganda ang reaksyon sa striktong pamamalakad sa silid-aralan. Sana lang inisip mo muna na hindi lahat ng bata, sadista ang gustong maging guro. Hindi lahat ng bata, nadadaan sa pananakot. Kaya ang ilan na tulad ko, chill lang sa pagtuturo. Pagbigyan lang yung mga hindi nakikinig dahil sa huli, sino ba ang nawawalan? Kami bang mga guro na may sinabi at laban na sa buhay o kayong mga paslit na ang lakas ng bilib sa sarili pero wala pa namang alam? Isip-isip, anak. Bubuksan ng mga guro mo para sa yo ang mga pintuan na maghahatid sa yo sa magandang kinabukasan pero nasa yo pa rin ang pagpapasya kung papasukin mo ito o tatalikuran.
Alam kong sinabi mo sa blog mo na hindi naman naka-generalize ang sinabi mo sa lahat ng teachers pero sana maintindihan mo kung bakit ko ito naisulat. Hindi biro ang maging isang guro. Hindi biro ang tumayo sa harapan ng isang klase araw-araw, oras-oras para magbahagi ng mga leksyon sa buhay na kakalimutan rin naman nila paglabas nila sa klase. Hindi biro ang magkumbinsi ng mga batang naggagaling-galingan na hindi pa sila pwedeng itapon sa totoong mundo dahil mahina pa sila't kailangan pang turuan. Hindi biro ang maging isang guro lalo na sa mga hater na estudyanteng katulad mo.
Hindi ko hinihingi ang simpatya mo. Hindi ko hinihingi na maawa ka sa mga teachers mo. Ang gusto ko lang, maisip mo na hindi depende sa uri ng teacher ang kahihinatnan ng isang estudyante. Kahit gaano pa ka-boring, kasungit o ka-walang kwenta ng teacher mo, nasa yo pa rin bilang isang estudyante kung seseryosohin mo ang pag-aaral o hindi.
Yun lang.
Kudos to you teacher pam! Points raised for teachers :D
ReplyDeletetama!! think before you write dun sa bata.
ReplyDelete