Response Blog: USTET

Day 14.

Before you read any further, I'm going to warn you. I'm completely and irrevocably furious right now so this entry will be full of words I only dare say in my mind. To the one I'm going to write this for, prepare yourself. All hell will break loose. You just enraged one of the greatest word warriors of the university you just called stupid.

As a gesture of courtesy, I'm going to respond in Filipino since your garbage is written in Filipino.


Kung ihahambing mo ang USTET sa entrance test ng ibang bigatin at prestihiyosong school dito sa Pilipinas, madali lang ito. Kung tutuusin, ang USTET ang pinakamadaling test sa lahat ng college entrance exams ng Big 4 - UP, La Salle, Ateneo at UST. Ngayon, bakit kaya hindi nakapasa yung mga friends mong matalino? Ang dali-dali na nga nung test, di pa nakapasa. Hindi ko tatawaging bobo ang mga friends mong yun dahil hindi naman ako naniniwala na may taong bobo. Tanga lang at walang common sense.

Dahil hindi ka naman nag-take ng USTET, siguro hindi na masama kung sasabihin ko sa yo ang laman nito. Hindi sinusukat ng USTET ang kakayahan ng isang prospective college freshman sa pagso-solve ng mga kagaguhang Math problems, ang memorya nito pagdating sa scientific theory o galing nito pagdating sa kasaysayan at sining. Common sense, logic at IQ ang sinusukat ng USTET - tatlong bagay na sa nakikita ko ay wala sa mga kaibigan mong matatalino. Ano nga ba para sa yo ang katalinuhan? Komo ba nakakaintindi na ng mga Math symbols na sulat Griyego sa mga normal na tao, matalino na? Komo nakaka-memorize ng isang daang pages sa isang oras, matalino na? Komo puro nwebe ang numero sa report card, matalino na? Nako. Nakakaawa ka naman. Halatang wala kang sariling pag-iisip. Naniniwala ka lang sa sinasabi ng lipunan tungkol sa katalinuhan. Kung sa bagay, makes sense nga naman sa mga matatalino mong kaibigan. Karamihan kasi sa mga matatalino, walang common sense. At yan ang hindi tinatanggap sa Catholic university of the Philippines. Catholic university, ineng. Hindi po kami Catholic Church.

Sa totoo lang, mas naaawa ako sa yo ngayon kaysa naiinis. Wala naman talaga akong pakialam kung sabihin mong walang kwenta ang UST eh dahil sino ka ba? Ni hindi ka pa nga nakahawak sa bakal ng Espana gate, nakapaglakad sa Lovers' Lane o nakapanood ng pyromusical tuwing Paskuhan. Sa madaling salita, wala kang karapatan na magsabi ng isang opinyon na walang basehan. Wala kaming kwenta? Bakit? Naging Tomasino ka na ba? Grabe. Parang gusto kitang tapunan ng piso ngayon para makabili ka ng kausap na maniniwala sa lahat ng sasabihin mo.

Sa pamamagitan ng sinulat mo, libo-libong Tomasino ang ininsulto mo pero ipupusta ko ang buhay ko - LAHAT SILA NGAYON PINAGTATAWANAN KA HABANG NAAAWA SA KABABAWAN NG PAG-IISIP AT PANANAW MO. Para sa mga matatalino mong kaklase na hindi pinalad sa USTET, marami pa namang school dyan na pwedeng magkamaling tanggapin sila. Ito lang ang masasabi ko - KUNG HINDI SILA PUMASA NG USTET, WAG NA SILANG UMASA NA MAKAKAPASOK SILA SA UP, ATENEO AT LA SALLE DAHIL SA ENTRANCE TEST PA LANG SA MGA UNIVERSITY NA YUN, SIGURADONG LALABAS SILA NG TESTING ROOM NG DUGUAN.

Grabe. Mas maganda siguro kung yung mga katulad niyong matatalino wag na lang mag-aral. Karamihan kasi sa mga magagaling na nag-aaral pa sa mga bigating eskwelahan kung hindi nagiging corrupt na pulitiko, nagiging doktor na may addiction sa sex videos. Magtanim na lang kayo ng kamote para makatulong kayo sa ekonomiya ng Pilipinas kahit sa isang munting paraan lang.

Yun lang.

Comments

  1. HAHAHAHA Nice Ate Pam. HAHA. Grace to. :)) Sotto. Hahaha. Nakakatawa ang epic niya.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts