Stresstabs

Stress. Isa sa mga bagay na sobrang pamilyar sa ating lahat. Kung hindi mo pa naranasang ma-stress sa buong buhay mo, dalawa lang ang explanation dyan - isa kang sanggol o isa kang bangkay.

Lahat tayo nagkakaproblema. Maging sa trabaho man, sa school o kaya sa bahay lang, lahat tayo laging may kinakaharap na kalbaryo. Itong mga suliraning ito ang madalas na nagiging dahilan ng eyebags, puting buhok at wrinkles o yung mga tinatawag nating physical manifestations ng stress. Sa atin, normal na yung magmukhang zombie tuwing problemado. Sino ba naman kasi ang problemadong masaya di ba? Meron siguro pero karamihan, hindi ganon ang laging reaksyon.

In Times of Battle ang theme ng worship service kanina at bida ang istorya ni David at Goliath. High school pa lang ako, alam ko na ang buong kwento nun pero may isang phrase kanina na hinighlight yung pastor na mami-miss ng kahit sinong nagbabasa lang ng Bible para lang makapagbasa. Mula ito sa 1 Samuel 17:42.

"...and when he got a good look at David, he was filled with scorn for him because he was just a nice, good-looking boy."

Nice, good-looking boy. Isang batang paslit na walang kaalam-alam sa pakikipaglaban ang haharap sa isang higanteng mula pagkapanganak eh pumapaslang na ng kalaban. Tiyak na kamatayan ang haharapin niya sa kamay ng higante pero hindi man lang siya mukhang worried o stressed. Inihalintulad ito nung pastor sa atin at sa ating mga problema. Kumbaga sa istorya, tayo si David at si Goliath yung problema. "Pag mukha tayong stressed pag problemado tayo, we are facing the battle on our own. Si David hindi dahil alam niyang God is with him and God would give him victory."

Ito na siguro yung dahilan kung bakit may mga taong mukhang chill lang kahit ang daming problema - dahil naniniwala silang hindi sila nag-iisa. Aaminin kong hindi ako ganito, not until now. Dati kasi masyado akong proud sa sarili ko na kaya kong harapin ang kahit ano ng walang tulong ng kahit na sino, kahit pa ng Diyos. Hindi naman sa atheist. Sadyang hindi lang ako madasalin. Para sa akin noon, kung kaya ko na, hindi ko na aabalahin pa ang Diyos dahil mas maraming ibang taong nangangailangan ng tulong Niya. Some battles we can face on our own, some we can't but one thing's for sure - whether we can make it through or not, God is always with us. Siya ang rason kung bakit sa huli, panalo pa rin tayo kahit gano kahirap. Isa ito sa mga bagay na natutunan ko ngayon. Pag problemado, wag magmukhang zombie dahil kakampi mo si God at hangga't hindi tapos ang laban, hindi ka Niya iiwan.

Simula na naman ang panibagong week bukas. Lahat tayo may kanya-kanya na namang pagdadaanan. Ako tiwala na I will make it through another week at kahit ano pang dumating, alam kong hindi ako nag-iisa. Let me end this entry with a passage from 1 Samuel 17:47.

"...and everyone here will see that the Lord does not need swords or spears to save His people. He is victorious in battle, and He will put all of you in our power."

Magandang gabi sa inyong lahat, madlang pipol! Stay pretty!

Comments

Popular Posts