Dear III-Sheba
Buong buhay ko, ginawa ko lahat para maging proud sa akin ang mga magulang ko. Kung saan-saan ko sinaksak ang sarili ko, pinag-aralan ang mga bagay na makapagbibigay sa akin ng maraming talento at sumabak sa mga labang di ko akalaing maipapanalo ko. Ilang beses ko ring napaiyak ang nanay ko sa mga napuntahan niyang recognition days noong elementary ako habang niyabang naman ako ng tatay ko sa mga barkada niya. Parehas rin nung high school at college. Nung estudyante ako, wala akong inisip kundi gumawa ng mga bagay na maipagmamalaki ng mga magulang ko. Ngayon, taas-noo kong masasabi na never napatawag sa school si Mommy dahil sa kabulastugan na nagawa ko. Kung napatawag man siya, yun ay dahil superstar model student ang anak niya at wagas kung makahakot ng award. Crown jewel ako ng parents ko at yun ay dahil hindi nila ako iniwan sa mga sandaling binubuo ko ang sarili't mga pangarap ko.
Magaling akong estudyante pero aaminin ko sa inyong hindi ko itinuturing ang sarili ko bilang isang magaling na guro. Siguro kung sa aspeto lang ng pagtuturo, may K ako pero sa pagiging magulang sa mga batang nagsisimula pa lamang hanapin ang kanilang mga sarili sa mundo, para akong lasenggang nanay na iniwan ng asawa para buhayin ang labing walong anak. I'm a lousy mother to my 18 children in the classroom. Ilang beses na rin akong napatawag sa office dahil sa mga nagawang kalokohan ng mga anak ko. Ilang beses na rin akong nasampal ng masasakit na salita ng principal namin. Kesyo wala raw akong kwentang adviser, kesyo hindi ko raw inaasikaso yung mga bata kaya mga violators, kesyo ganito, kesyo ganyan. Iyak-tawa na lang ako. Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko rin magawa. Bakit? Dahil sa kabila ng pride at matinding bilib ko sa sarili ko bilang isang teacher, alam kong kulang pa rin at wala akong ginawa para punan ang mga pagkukulang na yun.
Kaya sa tuwing makakagawa ng magandang bagay ang mga estudyante ko, pakiramdam ko wala akong karapatang maging proud sa kanila. Wala dapat akong credit dahil wala naman kasi ako nung mga sandaling naghihirap sila eh. Ika nga ni Will Smith, "If you're absent during my struggle, don't expect to be present during my success." Kahapon, habang nakanganga ako sa galing ng mga bata kong sumayaw sa harap ng madla ng buong eskwelahan, gusto kong maiyak. Hindi ko inasahan na ibibigay nila ng todo ang performance dahil panay bad news ang sinasabi nila sa akin nung nagpa-practice sila. Sa isang banda, na-frustrate ako at iniwan sila dahil sa tingin ko, yun ang magandang paraan para turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Tulad ng pagte-train sa mga future swimmers, tinapon ko sila sa malalim na parte ng swimming pool ng walang life vest o salbabida para matuto silang lumangoy mag-isa. Siguro kung merong isang bagay na masasabi kong proud ako, yun ay yung natuto yung mga bata kong mabuhay sa isang mapanganib na gubat ng wala ako. They learned to look out for themselves without me breathing down their necks. Maraming nagtaas ng kilay sa paraan na ginawa ko para turuan ang mga third year ko. Sabi kasi ng mga traditional at conservative na teachers, dapat lagi kang nandyan sa lahat ng gagawin ng bata. Bantay-sarado dapat para perpekto at walang bulilyaso. Ang masasabi ko naman kung ganon rin lang, sana gumawa na lang ng school kung saan magulang rin ng mga bata ang mga teachers nila para siguradong gwardiyado. Kung minsan kasi hindi naiisip ng mga tradisyonal na iba na ang panahon ngayon. Kung laging ipapasak sa bibig ng bata ang tsupon sa tuwing iiyak siya, hindi siya matututong gamitin ang sarili niyang pag-iisip para maghanap ng pagkain para sa sarili niya. Ang bata lumalaki at kasama dapat sa paglaki ang pagkatuto. Siguro mali ang ginawa ko dahil sa ilang mga pagkakataon, naisubo ko sa delikadong sitwasyon yung mga bata pero ito ang paraan ko para maipatanto sa kanilang hindi ligtas ang mundo. Na kung may gusto silang makamit, kailangan nilang mamuhunan ng dugo at pawis para makuha ito. Ganumpaman, ano nga namang laban ko sa mga nakasulat na batas di ba? Para lang akong langgam na nag-angas sa teritoryo ng mga elepante.
Sa puntong to, gusto kong mag-sorry sa mga anak ko. Pasensya na kayo kung iniwan ko kayo sa mga sandaling inisip niyong kailangan niyo ako. Sorry kung hindi ko napanood lahat ng mga practices niyo tulad ng ginawa ng ibang mga magagaling na advisers. Sorry kung wala akong kwentang adviser na naging dahilan para mapahiya kayo nung general rehearsal. Sorry kung hindi ako laging nandyan para sa inyo. Pasensya na kung hindi ko kayo kayang iligtas sa lahat ng mga bagay na kinatatakutan niyo. Sorry.
Pero ito lang lagi ninyong pakatatandaan. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko sa inyo, laging may leksyon. Sana natuto kayo at nawa'y dalhin niyo ang mga magagandang aral na ito kahit na makalimutan niyo na ako bilang isa sa mga naging guro niyo.
Mahal ko kayo kaya gusto kong matutunan niyong magkaisa ng walang supremong nakabantay. Gusto kong ibigay niyo lahat ng kaya niyong ibigay para sa mga magulang at mga kinabukasan niyo at hindi para sa mga teachers niyong nag-e-expect makapag-produce ng mga superstar model citizens. Naiintindihan kong magkakamali at magkakamali pa rin kayo kaya hindi ko ugaling i-pressure kayo. Wala akong pakialam kung perpekto o hindi ang gawa niyo dahil hindi naman perpekto ang mundo eh. Ang mahalaga naibigay niyo ang lahat at natuto kayo sa proseso.
Proud na proud ako sa inyo at mahal na mahal ko kayo, III-Sheba. Itanim niyo yan sa mga pasaway niyong kokote. Manalo, matalo, mapagalitan man o mapuri, KAYO PA RIN ANG MGA MATITIGAS ANG BUNGO AT MAKUKULIT NA ANAK NI TEACHER PAM CASTRO.
Yun lang.
Congratulations nga pala sa lahat ng inyong individual at group performances nung ECAS. KAYO ANG UNKABOGABLE SA PUSO KO! :)

Comments
Post a Comment